Ang iglesia ay ang mga tao. Kung walang tao, walang iglesia. Hindi ito ang gusali o mga kagamitan. Maaring may mga gamit at gusali, ngunit kung walang tao, walang samahan, walang komunidad at higit sa lahat walang iglesia.
At sa mga gawaing binubuo ng karamihan, mahalagang huwag kalimutan ang pagtutulungan. Sa lahat ng aspeto, ito ang susi upang magtagumpay sa balakin.
Binuo ang website na ito hindi para pag-arian at patakbuhin ng isang tao lang. Ang pagiging makabuluhan nito ay nakasalalay sa mga kapatid na may malasakit at pagkukusa.
Kung ikaw ay may gustong ipahatid na:
- kwento
- pahayag
- aral na gustong ibahagi
- litrato o video
- mga puna at kumento
- mga suhestyon para sa ikagaganda at ikaayos ng iglesia
- at iba pa...
Iniimbitahan ka na ibahagi ito upang mailagay natin dito sa website ng iglesia.
Makakatulong ito ng malaki upang:
- maipalamam sa karamihan ang impormasyon
- makibahagi sa mga solusyon
- makabuo ng magandang proyekto
- magpalakasan ispiritwal
- magtagumpay sa mga layunin
Kapatid, pagpalain ka ng Panginoon at gawin natin sa abot ng ating makakaya ang "the best" para sa Kanya!
Halina at Makibahagi!
Reviewed by Joel Olave
on
5:37 PM
Rating:
No comments: