Noong taong 1905 ay kumilos ang Espiritu ng Diyos sa paraang sadyang inilaan sa taga Malabag. Katatapos pa lamang ng digmaang Pilipino-Amerikano kung kaya't marami ang namumuhay na mga tinipon sa bayan ng Amadeo. Doon sa loob ng piitan ay may mga mangangaral na misyonero at ilan sa mga nakapiit ang nakarinig at nakahikayat sa Mabuting Balita, kabilang na dito ang mag-asawang Simplicio Cortez at Gregoria Miranda na taga Malabag.
Nang makalaya ang mga detenido at magsibalik sa kani-kanilang bayan at mapayapang pamumuhay ay muling dumalaw ang mag-asawang misyonerong Presbiteriana na sina Rev. at Gng. James B. Rodgers. Sa pamamagitan ng unang mag-asawang nahikayat sila'y nangaral sa mga bahay bahay. Makalipas ang ilang buwan ng matiyagang pangangaral ng Salita ng Dios, nakahikayat ng ilan pang mga sambahayan.
Ang unang mga sambahayang nahikayat ay ang mga sumusunod: Valerio Toledo, Fructuoso Toledo, Marciano Toledo, Jorge Toledo, Elias Toledo, Francisco Toledo, Andres Toledo, Maximo Toledo, Teodoro Toledo at Justo Hintog. Ang pamilyang ito ay tinipon at tinuruang mag-aral ng Banal na Kasulatan sa pananambahan at pangunguna sa Iglesia. Sa mga nagsipagsanay, ay mayroong naging predikador, katulad nina Elias Toledo at Andres Toledo. Nagsimula ito upang ang mga mag-aaral sa Ellinwood ay dumating at magturo ng mga awitin.
Sapagkat ang Iglesia at matatag na sa pananampalataya, ipinasya ng kapulungan na sila ay magkaroon ng halalan ng pamunuan bagamat ang mga gawain ay sa bahay pa lamang ginaganap. Ilang taon din ang nalagas sa tangkay ng panahon nang ang Iglesia at makabili ng ilang piraso ng yero. Ito ay ginamit nila sa unang bahay sambahan na yari sa kawayan. Ang unang kapilya at natayo sa tabi ng tahanan at lupang pag-aari ni Elias Toledo. Dahil sa kasipagan at pagkakaisa ng mga kaanib, maraming mga kaluluwa ang napadagdag sa kanila taon-taon.
Subalit katulad ng panahon, ang Iglesia ay dumanas ng unang unos ng buhay. Taong 1919, ang Iglesia ay nahati sa dalwang pangkat. Ang iba ay naging tapat sa misyong Prebiteriana at ang iba ay umanib sa Cristianus Filipinos sa pangunguna ni Rev. Mateo Victorino. Bagamat sila ay nagkahiwalay, ang dahilan ay hindi alitan kundi sa udyok ng nasyonalismo. Ang Iglesiang umanib sa Cristianus Filipinos ay sa tahanan ng mag-asawang Simplicio Cortez nagdaraos ng pananambahan. Ito ang naging kaanib ng Iglesia Evangelica Unida de Cristo taong 1937. Ang Iglesia ay nagpatuloy sa kaniyang pamumuhay at pamamahayag ng Salita ng Dios at mga balakin para sa hinaharap nyang buhay.
Noong 1949, sa pangunguna ni Rev. Melencio Tolentino at pangangasiwa ni G. Marcelo Caranay ay itinayo ang isang maliit na bahay-sambahan na yari sa tabla at yero sa lupang kaloob ng mag-asawang Antonio Caranay at Petronila Bautista. Ang kapatiran ay patuloy sa paglago kaya't ito ay dinagdagan noong 1951. Makalipas ang ilang taon ay nakita ang patuloy na pagkilos ng Espiritu Santo at ang maliit na kapilya ay hindi na kayang ukupahin ang mga kapatid, kaya't sa pangunguna ni Kap. Casimiro Perea at pangangasiwa ni Rev. Patricio Javier ay inilunsad ang pagpapatayo ng bagong gusali.
Mayo 1968 ay inilagay ang batong panulok at kasunod nito ang puspusang kampanya para sa bagong bahay-sambahan. Dahilan sa kakapusan ng salaping gugugulin, ang pagawain ay nahinto subalit sa paino-inot na pagpapatuloy ng pangingilak nito, ito'y natapos bagamat hindi kumpleto noong 1970, sa kabuuang gastos na P22,000.
Sa pangunguna pa rin ni Kap. Casimiro Perea at pangangasiwa ni Rev. Arnedo Bicomong ay naitayo ang gusali ng Edukasyong Kristiyana noong 1975. Nagkaroon pa rin ng mga gawain at proyektong naisakatuparan tulad ng pagpapailaw noong 1977 at ang paglalagay ng bakod sa harapan taong 1979. Sa pangangasiwa ni Rev. Rolando Reyes, naipatayo naman ang bahay-pastoral at kaalinsabay ang pagpipintura ng gusali noong 1980.
Sa patnubay ng Dakilang Lumikha ay malayo layo na rin ang narating ng Iglesiang ito. Buhat sa Kanya, isang lalaki ang tumugon sa tawag ng Panginoon, si Rev. Patricio Javier, dalawang predikador, Euvencio Herrera at Emilio Sanchez, isa ang naging pangulo ng kabataang pangkalahatan, Kap. Guillermo Toledo at isang Diakonesa Kap. Josefina Javier.
Sa kasalukuyan (1982) ay may 62 sambahayan ang sama-samang naglilingkod sa Panginoon. Ang Iglesia ay may pangitain na sa darating pang mga araw sa patuloy na patnubay ng Dios, ito'y hahayo at hahayo pa upang patuloy na magbunga sa sama-samang paggawa ng mga Kababaihan, Kalalakihan, Kabataan, Paaralang Lingguhan, Koro at ng damayan upang maging daluyan ng pagliligtas at katarungan ng Panginoon.
Mga naging manggagawa ng Iglesiang ito:
Rev. Mateo Victorino
Rev. Valeriano Del Mundo
Rev. Arcadio Destura
Rev. Moises Buzon
Rev. Julio Teodoro
Rev. Pedro Bautista
Rev. Eugenio Filio
Rev. Tomas Filio
Rev. Damiano Narvaez
Rev. Bernabe Toledo
Rev. Alberto Bunda
Rev. Pedro Bayot
Rev. Gerardo Camet
Rev. Ezekiel Camet
Rev. Melencio Tolentino
Rev. Paticio Javier
Rev. Arnedo Bicomong
Rev. Leonardo Morada
Rev. Rolando Reyes
Rev. Emmanuel Enfante
Rev. Camilo Santiago
Rev. Augusto Redondo
Rev. Chito Jarcia
Rev. Ogie Bautista
Rev. Dakila Quizon
Rev. Guillermo Estores
Rev. Gideon Pongasi
Rev. Antonio Banarez at
Rev. Conrad Malabag - Kasalukuyan.

Kasaysayan ng Iglesia Unida sa Malabag
Reviewed by Unknown
on
11:59 AM
Rating:
No comments: